Makisig. Matipuno. Matikas. Kilala siya bilang si Adon ng Tribo Zardafa. Mula sa mundo ng mga sinauna. Mga ninunong Pilipino. Na nagtataglay ng mga kababalaghan sa mundo. Doon ang kanyang tahanan, sa kahapon at hindi sa kinabukasan. Ngunit siya'y maglalakbay sa, ngayon, para hanapin ang kanilang prinsesa. Ang prinsesa ng kanyang Tribo Zardafa, si prinsesa Urduja-- ang nagtataglay ng pinakamakinang at magandang mukha, at pati ng malakas na alindog. Mula sa nakaraan patungong kasalukuyan, sa modernong mundo ng mga tao. Kanyang lalakbayin para maibalik ang prinsesa ng Tribo Zardafa. But he never knew that in the modern world, he'll find a different Princess of their own. Or is she really different from the one he knew. Sa kanilang mundo, kahit kailanma'y bawal umibig ang di hamak na sinasakupan sa kanilang pinuno. Ngunit sa mundong kaniyang tatahakin, ang pag-ibig sa naturang prinsesa ay tanggap ng lipunan. "Adonis, sinisinta kita. Sinisinta mo rin ba ako?"