-- "Please Xands, don't leave me. Please... Please don't leave me..." Binalot ng mga hikbi ni Raphael ang loob ng silid. Kasalukuyan siyang nakaluhod ngayon sa harapan ni Alexander, nagmamakaawang wag siyang iwan. "I will do everything, just please don't-" Bago pa man matapos ni Raphael ang kanyang sasabihin ay nagsalita na si Alexander. "Let go of me! I don't love you anymore! Do you hear me?! I. Don't. Love. You!" Isang malaking sampal kay Raphael ang sinabi nito. Paano pa siya lalaban kung ang ipinaglalaban niya ay gusto nang sumuko? "We can fix this, t-trust me. Please Xander... please. Just tell me what I need to do." Lahat ng pwedeng idahilan ay nasabi na nito. Hindi siya maaaring sumuko ngayon. Dahil na rin sa paulit-ulit na pakiusap ni Raphael na wag siyang iwan ay naubos na ang pasensya ni Alexander. Biglaang tinulak nito si Raphael dahilan para matumba siya sa pagkakaluhod. "Damn it Raph! Don't make this hard for the both of us! We're over! Can't you understand?! Ayoko na sayo!" Makikita sa mukha ni Raphael ang sakit ng pagbagsak niya. Si Alexander naman ay diretsong naglakad patungo sa may pintuan. Nahihirapan man tumayo si Raphael ay pinilit pa rin nitong makatayo at pigilan sa pag-alis si Alexander. "Xander! I-I need to a-ask you one more thing, after this I promise... I... I w-will let you go..." Hirap man sa pagsasalita ay nagawa pa rin niya itong sabihin. "What more do you want to know?! I already-" "W-Why Xands? Why are you doing this to me?!" Nanlulumong napaupo si Raphael sa sahig. Hindi na nakayanan pa kung sakaling marinig pa niya ang dahilan ni Alexander. "Stop the fuckin' drama Raphael. We're over." Tuloy-tuloy ang lakad ni Alexander walang pakialam sa nakatulalang si Raphael. "I despise you." Ang tanging mga katagang lumabas sa bibig niya. Si Alexander na parang walang narinig ay diretsong lumabas at umalis sa silid. -- "Sobrang saya nang tayo pa, pero doble ang sakit nung nawala ka."All Rights Reserved