Nasaktan ka, pagkalaunay masasaktan din siya. Vice versa lang ika nga. Ganun naman kasi yun eh, kung sino ang nahulog at hindi sinalo, siya yung talo. Kung sino pa yung nangwasak at nang agrabyado, sila pa yung panalo.
Ang mahirap lang minsan, kung sino yung nanalo pwede ding bumagsak at matalo.
Dalawang tao na nahulog at kapalit ay ang masaktan.
A girl who use to be a kindhearted one sa lahat ng taong nakakasalamuha niya, but how can she control her feelings kung unang kita niya palang sa lalaking ito ay nabihag na ang puso niya?
Ngunit, mapaglaro nga siguro ang tadhana at ang akala niyang totoong pag ibig ay laro lang pala. Nagpakatanga siya, nasaktan siya. Nagpakatanga ulit, nasaktan parin siya. Nagpakatanga ng paulit-ulit, nasaktan nanaman ulit kaya napagod na. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar kaya siya ang kusang bumitaw para bigyan ng hangin ang puso niyang naghihingalo.
A boy who use to hate people simula ng masaktan siya, it sounds so over reacting pero yun ang nararamdaman niya. But when this girl came, nag iba ang timpla niya. Tinangggap niya ang isang laro na alam niyang mananalo siya. Pero isang pagkakamali niya lang, nawala ang lahat at doon lang siya nagising, natauhang kailangan niya ang babaeng iyon. Hinanap niya pero hindi na kailanman nagpakita.
Natalo siya.
Ngunit paano kung bigla niya itong nakita pero hindi na ito katulad ng dati. Hindi na ito katulad ng dati na nagpakatanga sa kanya. Hindi na ito katulad ng dati na kilala siya. At lalong hindi na ito ang babaeng mahal na mahal siya.
Would he give up? Or ipagpapatuloy niya ang paghahabol?
Paano kung iba na ang mahal nito? May magagawa pa kaya siya para maibalik muli ang puso ng babaeng minsan na siyang minahal?
Babalik kaya sila sa pagkahulog sa isa't isa? Yung tipong totoo na, walang masasaktan at sinasalo na ang bawat isa mula sa pagkahulog nila?
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read.
Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Hazel, pinagsama-sama at sabay-sabay na pinaglaruan ng tadhana. Handa na nga ba silang harapin ang lahat kahit na maaari silang masaktan at mawasak sa huli?
***
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Para kay Train, kaya niyang suwayin ang ama at maghintay ng hanggang sampung taon para kay AB. Para kay AB, pipilitin niyang mabuo ang nawasak na sarili para maging karapat-dapat kay Train. Para kay Kudos, kaya niyang masaktan nang paulit-ulit basta't mananatili siya sa tabi ni AB. At para kay Hazel, patuloy siyang aasa na mahahanap ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Pero paano kung tadhana at realidad na ang kalaban nila? Itutuloy pa rin ba nila ang laban kahit na pinipilit na nito na sumuko na sila?