The first day na nakita ni Tessa si Geo ay nasabi na niya sa kanyang sarili na ito ang lalaki para sa kanya. Kaya laking tuwa niya ng isang araw ay nilapitan siya nito at pinuri sa pagtugtog niya ng piyesa ni Beethoven sa music room ng unibersidad na pinapasukan nila. Simula noon ay hindi na siya tinigilan nito hanggang sa mapulot nito ang papel na sinulatan niya ng flames nilang dalawa. Laking tuwa niya nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Pero ang tuwang iyon ay napalitan ng sakit ng nang makita niya itong may kasiping na ibang babae. Gumuho ang mundo niya sa mga panahong iyon and she decided to pursue her Juilliard dream na minsan na niyang tinanggihan. Naging matagumpay naman siya sa larangang pinili at nabigyan ng break para maging assistant musical director sa isang play na itatanghal sa Pilipinas. After four years ay nagbalik siya sa bansa para magtanghal ng "Elisabeth" at nagtagpong muli ang kanilang landas ni Geo. Nagsusumamo ito sa kanya at humingi ng kapatawaran sa kanya. Nalaman niyang sa pagkikita nilang iyon ay ito pa rin ang namamay-ari ng puso niya. Tama bang sundin niya ang isinisigaw ng kanyang puso o tuluyang kalimutan na ito at ipaubaya kay Ellen?