Hindi ako kailan man nagmakaawa para sa atensyon ng isang tao. Hindi ako kailan man nakaramdam ng kirot sa aking dibdib tuwing binabalewala ako. Sanay ako.... noon.. Noong bago pa kita makilala. Nung dumating ka, natakot ako. Natakot ako na mahulog ako sayo. Pero nang nahulog ako, lahat ginawa ko mapansin mo lang ako. Ngunit bakit siya pa rin? Bakit parang ka'y hirap na matanaw man lang ako? Bakit parang kahit nasa harap mo ako siya pa rin ang hinahanap hanap mo? Kailan ba? Kailan bang ako naman? Kailan bang ako naman ang mapapansin at hahanap hanapin mo? When will it be my turn?