"Sleep Paralysis" Sa ating mundong ginagalawan ay may mga taong binigyan ng kakayahan. Yung iba pinagpala at mayroong hindi pinagpala sa kanilang mga natanggap na kakayahan. Meron nakakakita ng multo, i-manipulate ang panaginip, kumausap ng patay, makita ang hinaharap, malaman kung kailan mamamatay ang isang tao at ang iba ay hindi pa na didiskubre. Si Meimi, hindi mo aakalain na sa likod ng kanyang napaka gandang ngiti ay naka kubli ang kanyang tinatagong takot at lungkot. Ang kanyang kakayahan ay kakaiba, delikado, at higit sa lahat ay nakakatakot.