Dati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi na ako ng mga lalaki. kaya lang, mukhang nagkatotoo ata yung loko ko. Ngayon eh kailangan kong sabihin na "NAGHAHANAP AKO NG GWAPO!" dahil lagot talaga ako kapag nalaman nilang natalisod ako sa sarili kong biro. Hindi pa naman tanggap sa pamilya ko ang ganitong pagkatao. hindi ko naman ito ginusto. hanggang ngayon ay todo deny pa rin ako sa sarili ko, ngunit tuwing nakikita ko siya . . . . . . . . . . "ANG GANDA TALAGA NIYA! . . . . . . (pikit ng maigi) . . . . . .PATAY NA!
33 parts