Ayokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pero ang lokong ito, maski na anong gawin kong pagtaboy sa kan'ya upang layuan ang aking step sister, ay mas lalo pa talaga ito nagdi-didikit at lumalapit. 12-23-17