Limang taon matapos ang unofficial separation nilang mag-asawa, nagkaroon rin sa wakas ng dahilan si Natalie upang tuluyang mag-file ng annulment laban kay John. Nabalitaan niya kasing may bago raw itong dine-date at nais na ipalit sa kanya bilang asawa sa nalalapit na hinaharap.
Ang tanging problema nga lamang ay nasa parte ni John. May ibang pina-plano ang kanyang asawa at wala sa mga planong iyon ang annulment na isinampa ni Natalie.
Sa hindi pagpayag ng Neanderthal niyang asawa sa legal na paraan ng paghihiwalay, maitatama pa kaya ni Natalie ang kamaliang nagawa nang mag-desisyon siyang pakasalan si John? Or will she be forever trapped in a marriage that from the very first day is already a mistake?All Rights Reserved