Alison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikimkim parin siyang galit para sa dating kasintahan na naging dahilan ng malaking pagbabago ng kanyang pagkatao. Hindi na siya ang dating Raven na palangiti at handang damayan ang lahat ng nasa paligid niya. She hated her. Wait... No. It's not hate. She actually despised her. Hinding hindi na niya gugustuhing masilayan pa ito. O kahit ang anino man lang nito. Pero siyempre, dahil mabait ang tadhana, muling nagkrus ang landas ng dalawa. Aba, magaling talaga!