"It Might Be You".Ito ay kuwento ng isang babae na nahulog pa sa kinaayawan niyang uri ng tao.Hindi niya alam na kung sino pa ang kinaiinisan niya siya pa pala ang taong mamahalin siya.Napakaraming hakbang pa ang nangyari at masasabi na ring minsa'y napaglaruan sila ng tadhana.Hindi nila alam na bata pa lang ay nagkakilala na sila at halos hindi sila mapaghiwalay magkasama sila kahit saan. Na kung tawagin sila ay "magkababata".Hanggang sa nagkahiwalay sila at ilang taong di na sila nagkikita.Dumating ang araw na nagkita sila pero di nila kilala ang isa't isa ni hindi nila alam dahil galit na galit ang babae sa lalaki at napakasama ng ugali nito.Para silang aso't pusa na laging nagaaway.Dahil sa pagaaway nila ay unti unti na pala silang nahuhulog sa isa't isa.Nagkamabutihan sila at lalo pang nahulog ang loob nila sa isa't isa.Hanggang sa may napuntahan silang lugar na pinapasiyalan nila nang mga bata sila pero hindi nila alam na kasama na pala nila ang taong kay tagal na nilang hinahanap at hinihintay.Dumating sa punto na nagkuwentuhan sila tungkol sa pagkabata nila at napagalaman nila na ang matagal na nilang hinahanap ay nasa harap lang pala nila.Napakarami nilang napagdaan bago nila mahanap ang isa't isa. Napaglaruan na sila ng tadhana pero dadating din pala ang panahon na sila pala ay para talaga sa isa't isa. Napakaraming pagsubok ang kanila munang pinagdaanan.Madaming hadlang at humadlang sa kanila pero sila pa rin talaga ang para sa isat isa