Nakasulat ba sa tadhana natin ang pangalawang pagkakataon?
  • Reads 319
  • Votes 13
  • Parts 7
  • Reads 319
  • Votes 13
  • Parts 7
Ongoing, First published Mar 04, 2014
Ang dami naming pinagsamahan kahit sa loob lang ng isang taon kami'y nagkakilala ng husto. Kahit ilang araw ang lumipas, hindi ko magawang kalimutan ang mga nakaraan. Sana noon ko pa siya nakilala, sana naging malakas ang aking loob kahit konti lang, sana meron akong ginawa para mawala yung takot ko sa mga lalaki eh di sana mas mahaba yung oras na nakasama ko siya.

Naaalala ko pa nung kinukulit niya pa ako, nung nagpapaturo siya sa akin ng mga subjects namin, nung kinukulit ko rin siya, nung binuksan niya ang mga mata ko, nung pinapasaya at pinapatawa niya ko, nung tinuruan niya kong harapin ang mga bagay na takot na takot ako.

Ang sakit kasi isipin ang mga "paano kung..." naming dalawa. Paano kung naging malakas ang loob ko? Paano kung natuto ako magsabi ng "ayoko?" Paano kung naging makasarili ako? Paano kung hindi ako natatakot sa kanya? Paano kung naging...kami?

***

Fifteen years old ako nung naging classmate ko siya. Fifteen years old ako nung unang beses ako nahulog ng lubusan sa isang lalake.

Kaso lang maraming bagay ang humihila sa akin palayo sa kanya.
-may crush din ang kaibigan ko sa kanya
-playboy daw siya
-isang bad influence daw siya sabi ng karamihan
-walang direksyon sa buhay
-sikat siya sa kababaihan
-gwapo siya, ganito lang ako
-natatakot ako sa mga lalake
-pinagbawalan akong magkagusto sa kahit na sinong lalake ng mga parents ko

Nung simula takot na takot ako sa kanya at lagi akong naiirita sa kanya. Palagi niya kasi akong kinukulit. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero isang araw nagising ako na nakangiti dahil siya yung nasa panaginip ko kagabi, ang kanyang napakatamis na ngiti.
All Rights Reserved
Sign up to add Nakasulat ba sa tadhana natin ang pangalawang pagkakataon? to your library and receive updates
or
#153conflict
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books) cover

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)

54 parts Complete

Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more? *** May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam. Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit. Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana. Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga? Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon. Disclaimer: This story is written in Taglish.