Hindi ko alam kung ba't sa dinami-rami nang babae sa mundo ay siya pa ang nagustuhan ko. Siya na pinaka sa lahat ng napaka. Napaka taray niya, napaka suplada, napaka maldita at napaka sungit. Lahat ng ugali na panget nasa kanya na. Maganda lang siya, masipag at maalaga, yun lang. Pero hindi siya sweet, hindi siya malambing at lalong hindi siya maalalahanin. Hindi ko alam kung ba't sa libo-libong babae sa mundo sa kanya napunta ang atensyon ko. Samantalang napaka bossy niya, napakaboyish, pala mura at napaka sama talaga ng ugali meron siya. Pero kahit ganon, mahal na mahal ko siya. Ako nga pala si Knight Mondragon, at ang ang babaeng tinutukoy ko ay si Eve El Greco. At ito ang istorya naming dalawa.