Hanggang kailan ka ba maghihintay? Gaano katagal ba ang umasa? Ano ba ang sukatan ng pagbibigay? kailangan bang magdusa ang tunay na nagmamahal? Mga tanong na bumagabag sa murang edad ni Becca, isang mayamang estudyante na naging biktima ng pag-ibig. Makakaahon pa kaya siya? Babalikan ba ang nakaraan o haharapin ang kasalukuyan?