Napakaraming nangyari sa buhay ni Sophia. Nais na niyang sumuko sa lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay niya. Ang mawalan ng hindi lang isang mahal sa buhay ang napakalaking dagok sa kanya. Gustuhin man niyang iahon sa sakit ang mga taong nagmamahal sa kanya, ngunit paano niya gagawin 'yon kung hindi niya alam kung paano niya unti-unting bubuuin ang buhay niya. Pakiramdam niya may kulang sa kanya. Pakiramdam niya may hinahanap siya. Mahahanap pa kaya niya ang isang bagay na bubuo sa buhay niya? Mararamdaman pa kaya niyang minsan sa buhay niya ay buo siya? Paano niya mahahanap ang isang bagay na hindi niya alam kung papaano sisimulan gayong pakiramdam niya unti-unti na siyang nagkakapira-piraso.
31 parts