Meet Xiara Elizabeth Abrenica ay isang masayahing babae na walang pakialam sa kung ano man ang kinalabasan ng grades niya. Bobo, panget, at pandak ang bansag niya sa kanyang sarili. Kahit sa totoo lang ay ayaw niya namang mag-aral, pumapasok pa rin siya sa klase dahil upang makita at makasama niya ang crush at kapitbahay niyang si Gian Carlo Escalante na tinatawag niyang 'Kaloy'. Gian Carlo is the complete opposite of Xiara. Matalino, gwapo at matangkad. Seryoso rin ito sa kanyang pag-aaral. Palagi siyang pinapaalis nito pero kahit anong taboy nito sa kanya ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya rito. Sinabi pa niyang mapapaibig niya ang binata! Pero biglang nagbago ang lahat nang nagkasakit ang kapatid niyang si Erina! Kailangan nilang lumipat ng isa pa niyang nakababatang kapatid na si Erine sa bahay ni Gian Carlo dahil luluwas ng Maynila ang mga magulang niya at ang kapatid niyang may sakit upang magpagamot. Pero bago umalis ang pamilya niya, may hininging pabor ang kanyang kapatid sa kanya. Gusto ng kapatid niya na makita niya ang tunay na abilidad at talino ng kanyang ate. Pinapangangako niyang magbabago na siya para sa kapatid at sa sarili niya at hindi muna masyadong lalandiin si Gian Carlo. Medyo slight lang! Ay nako te! Ano na kaya ang mangyayari sa pagtingin niya kay Gian Carlo? Lalabong ba? o Malalanta na? Magtatagumpay kaya siya sa kanyang pagbabago o mapapatunayan niya lang talagang isa siyang walang silbi? Samahan si Xiara sa pagkilala niya sa kanyang sarili at sa pagpapa-ibig niya kay Gian Carlo. Iibig nga ba talaga ang binata sa kanya? This story is inspired by 'A Love So Beautiful', 'Playful Kiss' and 'Orange' Ranked #307 - ChickLit (March 21, 2018) Ranked #190 - ChickLit (April 23, 2018) Ranked #98 - Chicklit (April 27, 2018)