[Won first place at TBC PUBLICATIONS' writing contest Kilig Kapsule Series] Laki sa layaw at rebelde sa magulang si Howie. Naging ganoon ang takbo ng kaniyang buhay dahil sa kaniyang hinanakit sa kaniyang ina na iniwan siya at ipinagpalit sa bago nitong pamilya. Mas lalo pang naging magulo ang kaniyang buhay nang isang gabi'y nasangkot siya sa isang malagim na aksidente kung saan ang naging resulta ay ang pagkawala ng kaniyang paningin. Dahil sa kaniyang pagkabulag, pakiramdam niya'y tuluyan na siyang tinalikuran ng mundo. Subalit mali siya. Kung kailan binalot ng kadiliman ang mundo ni Howie, sa hindi inaasahang pagkakataon ay noon din niya natagpuan si Nurse Jana-ang dalagang magbibigay liwanag sa kaniyang masalimuot na buhay. Maraming bagay ang itinuro sa kaniya nito at kabilang na roon ay ang mahalin ito. Lingid sa kaalaman ni Howie, isang lihim ang pinakatatago sa kaniya ni Jana. Isang lihim na muling yayanig sa kaniyang mundo na unti-unti pa lamang na nakakabangon sa pagkakalugmok.
Detail lengkap