Mayroon talagang mga pangyayari sa buhay natin na ayaw na natin balikan at hangga't maari ay ayaw na talaga natin sumagi sa isipan natin. Ito yung mga pagkakataon na ibinuhos natin sobra yung atensyon natin para lang makawala na tayo at paulit-ulit nating hinihiling na sana matapos na. Yung bang gabi-gabi ay pinaglalamayan mo at kinabukasan magigising ka na magang-maga yung dalawa mong mata, at sasabihin mong, "Wala to, kagat lang ng ipis" kasi ayaw mong may makaalam na iba dahil feeling mo wala naman silang matutulong. At kung hindi tayo nananalangin, sa pagkakataon na to, para bang natututo tayo. At for sure, sa sitwasyon na to tayo pinakanasasaktan at dito natin pinakahinihiling ang mga worst na pwedeng mangyari.
Parang ako ngayon, gabi-gabi hinihiling ko na sana mamatay na lang ako kaysa manatili pa ko sa sitwasyon ko, dahil kapag nagpatuloy pa to, baka ako na mismo ang tumapos sa buhay ko. Siguro naiisip niyo, "Grabe ka naman! Pakamatay agad? Eksaherada!" Pero sasabihin ko sa inyo, hindi to biro, hindi to pageemote lang, kung ikaw ang mismong nasa kalagayan ko, hindi mo kakayanin...at kapag nangyari yon, maiintindihan mo ko
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.