“Magkakagusto ka din sa akin, tandaan mo iyan! Itinataga ko sa batong buhay!” Ubod lakas na sigaw ni Jason sa papaalis na si Rachelle. “Kahit sa hollow block, adobe, marmol o kahit pa sa bato kung saan hinugot ni King Arthur ang Excalibur mo itaga, hinding- hindi mangyayari ‘yun!” ganting hiyaw ng abogada. “Unggoy!” Pagkatapos ay tumalikod ulit. Akmang hahakbang muli ito palayo ng magsalita ulit ang lalaki. “Talaga? Kakain mo ‘yang sinasabi mo, balang araw! Ay, hindi pala. Next month! Next month hahabul- habulin mo na ako!” Hindi makapaniwalang lumingon ulit ang dalaga. “WHAT?! Next month?? Okay ka lang?” Marahas na nagbuga ng hangin ang abogada. “You know what, kung hindi ka lang talaga kapatid ni Carmina, talagang -! Naku, ewan ko nalang!” Naiinis na napasabunot si Rae sa buhok. Napangisi ang binata. “So, you mean kung hindi kami magkapatid ni Yna, pwede na tayo?” Laglag ang panga ng babae. Aba’t! Sagad sa buto ang kakulitan nito! “May Asperger’s Syndrome ka ba?” Sandaling nag- isip ang lalaki bago ngumiti ulit, “Bakeettt??” “HINDI AKO HIHIRIT NG PICK- UP LINE!!”