"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit bago magsalita. "Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng puso mo. Kapag magkakasama lahat ng minahal mo pero ang atensyon mo nasa kanya lang. Yung saya, sakit, at lungkot na nararamdaman mo mapapawi sa oras na ngumiti na sya. At kapag sinaktan ka nya hindi ka magagalit kundi mamahalin mo pa rin sya."