Matapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kanyang mga araw nang wala siya. Matapos ang isang linggo ay naisip niyang muling buuin ang kaisa-isang ideya na kanyang binuo simula pa lamang nang siya ay makapagtrabaho sa naturang kompanya. Naisip niyang bumuo ng isang prototype na nagngangalang D.I.A.N.A. o Database Intelligence Artificial Network Ally. Isang prototype na kayang maging katuwang ng tao sa pang araw-araw na gawain na may kahalintulad din sa emosyon ng tao maging sa kilos nito. Ngunit hanggang saan nga ba ang limitasyon ng emosyon ng kanyang prototype na binuo? Maaari nga bang maturuang umibig ang isang puso na gawa sa bakal? Paano matatanggap ni Eric ang katotohanang isa lamang siyang imahinasyon, isang makina, isang konsepto na kanyang ginawa? Sa panahon ng teknolohiya, magiging buhay pa nga ba ang pag-ibig na nawala sa pamamagitan niya?
10 parts