Isang babaeng hindi matatawag na normal, normal nga ba para sa mga makakakilala niya? Normal nga ba para sa iyo ang nakakakita ng mga patay? Nakakausap mo ito? At hindi lang basta nakakausap at nakikita, natutulungan mo pa. Isa siya sa mga babaeng hindi normal, binigyan ng kakayahang tumulong sa mga kaluluwang hindi pa nakakaakyat sa dapat puntahan, siya ang binigyan ng pagkakataong gawin ito. Gusto niyang huminto sa pagtulong para sa normal na buhay na hinahangad niya Paano kung sa isang araw ay makakilala siya ng isang kaluluwa na kailangan niyang tulungan dahil nakita niya itong pagala gala lamang. Naging mabuti ang loob nila sa isat isa. Napagkakamalan siyang baliw dahil sa pagsasalita mag isa. Hindi nila alam na kausap nito ang kaluluwang kailangan niyang tulungan. Napalagay na ang loob ng babae sa kaluluwang ito. Hindi niya inaasahang sa pagkakataong iyon pa siya makakaranas ng pagmamahal Nainlove siya sa walang buhay . May pagkakataon kayang maging pwede sila? Pwede kayang magmahal ang tao sa isang kaluluwa lamang ? O pipiliin na lamang niyanggawin ang kanyang tungkulin ? Ano ang mangyayari sa love story nilang dalawa? Gugustuhin pa kaya ng kaluluwang ito na mapunta sa kailangan niyang mapuntahan? Magkakahiwalay ba sila? Posible kayang mabuhay ang isang patay? Posible bang pagtagpuin sila uli ng tadhana?All Rights Reserved