Naamoy niya ito. Tila kauulan lamang, ang paborito niyang amoy sa umaga matapos ang isang malakas na bagyo ang pumuno sa kanyang sistema, ang amoy ng tsokolate at ng mga pahina ng mga libro. Naramdaman niya ang pagbasak ng kanyang sikmura. Bumilis ang tibok ng kanyang puso na tila tatalon na palabas ng kanyang ribcage. Tila bumagal ang takbo ng oras. Hindi niya na marinig ang sigawan sa labas ng tent, tanging ang mabibigat at mababagal na hininga na lamang ng lalaking nasa harapan niya. "Oh," biglang tumawa ang bampira nang matanto kung anong nangyayari. "He's your Mate, isn't he? Ngayon, gusto mo siyang iligtas? Kawawa ka naman pala. Nagkaroon ka ng Mate na mahina, actually mawawalan ka na rin ng Mate sa loob nang ilang minuto . . kaya bakit hindi ka na lang sumama sa akin? I'll be your Mate." "Tumahimik ka!" Dumagundong ang sigaw ni Lumi sa buong kagubatan. Natigilan si Marcus at nagtatakang tumingin sa babae na ngayon ay hindi pansin ang nag-iibang kulay ng kanyang mga mata. Mula sa pagiging asul nito ay nagiging kulay puti na ito. Purong puti. "I warned you." Huli na nang matanto ng bampira ang nangyayari at hindi man lang napansin iyon ni Lumi, bumagsak ang temperatura sa buong lugar. Nagsimulang magkulay puti ang mga hibla ng buhok ng dalaga. Nabalot ng lamig ang lahat at nagsimulang magyelo ang paligid simula sa lupa kung saan nakatayo si Lumi.