Madalas nagkakagusto tayo sa isang tao dahil sa panlabas na anyo kahit hindi natin alam ang pagkatao nito. Malakas din tayong mag-pantasya na sana siya na lang panghabang buhay. Hindi ba parang kabaliwan naman iyon. Kung sino pa yung gusto mo, siya pa 'yong hindi para sayo at kung sino pa 'yong hindi inaasahan sya pa yung dumarating sa pinaka-weirdong lugar, oras at pagkakataon ng buhay.