Mahal Niya Ako Pero Hindi Niya Ako Mahal
12 parts Complete Sabi nila, kung gaano mo raw kinamumuhian ang isang tao ay gano'n mo rin daw sila kamahal, at iyon ang salitang nilunok ni Laze sa paglipas ng panahon. Noon pa man ay naiinis na si Laze sa kaniyang kababatang si Callian. Palagi siya nitong binubuwisit at inaasar, ngunit tila nga mapaglaro ang tadhana dahil sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi niya namalayang nahulog na ang loob niya sa binata. Tulad ng isang magnet na may negatibo't positibong parte, magtagpo kaya ang kapalaran nila o paglalayuin sila ng tadhana dahil sa pagpasok ng isang karakter sa pagitan nilang dalawa?
Date Started: March 25, 2021
Date Finished: September 29, 2022