"Kaya pa ba? Kaya ko pa ba? Kaya mo pa ba? Hanggang dito nalang ba tayo? Hanggang dito nalang ba ang ikaw at ako? Mahal, salamat at pinagtagpo tayo, sa dinamirami ng tao sa buong mundo, Natagpuan kita at natagpuan mo ako. Hinding hindi ko pagsisisihan ang pagmamahal na minsan ay naging atin, At umaasa ako na balang araw ay babalik ka rin sakin. Ngunit sa ngayon na tayo'y magkalayo, alagaan mo ang iyong sarili at Tandaan mo na nandito lang ako. Sa mga oras na malungkot ka, alalahanin mo lang ang mga masasayang Panahon na magkasama tayong dalawa. Sa mga oras na nagiisa ka, isipin mo lang na nasa tabi mo ako habang yakap yakap kita. At sa oras na hahanapin mo ako, lagi mo lang tatandaan na balang araw ay magkikita ulit tayo. Pasensya ka na kung ako'y mahina, Pasensya ka na kung nasaktan man kita, Pasensya ka na sa pagbitaw, Pasensya ka na ngunit hanggang dito nalang muna tayong dalawa" - Mitch Starring: Donny Pangilinan Pattrice De Guzman Jack Reid Heaven Peralejo Markus Paterson Kisses Delavin And more!All Rights Reserved