"Bukas ah, sabi mo yan." sabi nung lalaki habang naglalakad sila pauwi sa bahay ng babae. "Oo na, pero saan?" tanong nung babae habang nag-iisip. "Sa dating tagpuan." sabi nung lalaki sabay kindat. Nakarating na ang dalawa sa bahay ng babae. "Sige bukas ng alas-tres ng hapon sa dating tagpuan." sabi nung babae sabay yakap sa lalaki. Matagal ang nangyaring yakapan, at yung babae na rin ang kusang humiwalay sa yakap. "Sige iintayin kita roon ah?" sabi nung lalaki sabay hawak sa balikat ng babae. "Oo na, umuwi kana baka makita ka nina mama at papa." sabi nung babae habang tinutulak ang lalaki. Natawa naman ang lalaki sa inaasal nung babae. "Oo na, alis na'ko." sambit nung lalaki "Sige ingat, at.....wala wala hehehe." sabay iwas ng tingin. "Sige paalam na." ani nung lalaki habang naglalakad palayo at nakaway. "Paalam." sabi nung babae saka ngumiti.