Minsan may nagtanong sakin. Paano daw kapag may gusto ako sa isang tao? Sabi ko naman. Edi hihilingin na sana magustuhan nya din ako. Maghihintay ako. :) Tinanong nya ako ulit. Paano daw kapag sobrang tagal na at konti na lang yung oras na natitira? Hmmmm. Alam nyo ang sagot ko?
Edi liligawan ko na. :"> Liligawan ko na kahit alam kong sobrang liit ng pag asa ko. Liligawan ko na kahit anong sabihin ng ibang tao. Liligawan ko na kahit di nya ako pansinin. Ang mahalaga, masabi ko ang nararamdaman ko. Dalawa lang naman ang hinihiling ko e - yung matamis na OO, at kung hindi man nya maibigay yun, kahit yung ngiti lang nya, masaya na ako. :">
All Rights Reserved