Story cover for Impossible Love (M2M) by MjAquigon21
Impossible Love (M2M)
  • WpView
    Reads 44,823
  • WpVote
    Votes 1,160
  • WpPart
    Parts 30
  • WpView
    Reads 44,823
  • WpVote
    Votes 1,160
  • WpPart
    Parts 30
Ongoing, First published Jan 02, 2018
Mature
Bata pa lamang, alam na ni Louis na naiiba sa ibang kalalakihan ang kanyang kilos at salita. Ngunit matagal bago nya naamin ang kanyang kasarian. Nagtitiwala sya na pag umamin sya sa kanyang pamilya ay taos puso syang tatanggapin ngunit nagkamali sya dahil lahat ito'y hindi sya tinaggap. Lumayas sya sakanila dahil sa di sya makapaniwalang ganun ang nangyari sa pag amin nya. Nagpalaboy laboy sa daan at sa kabutigang palad ay nalagay sa mabuting buhay. Nang makilala naman nya sila Kai, Lharby at Dave ay ano kayang magiging parte nila sa buhay ni Louis? Matatanggap ba sya ng mga ito? O tulad ng pamilya nya ay sya'y kamumuhian. Samahan nyo kong diskubrihin ang buhay ni Louis sa "Impossible Love."
All Rights Reserved
Sign up to add Impossible Love (M2M) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Perfect  (C O M P L E T E D) by mistermiss97
13 parts Complete Mature
Ang story na to ay nagpapakita ng buhay ng ibang kapatid nating nasa LGBT community. More on family issue sya kaysa love story. Kung gusto nyong maintindihan ang ibang nasa LGBT community, i suggest na basahin nyo to baka sakaling maintindihan nyo kami. Hindi ko sinasabing lahat kayo na babasa nito ay maiintindihan kami, alam naman nating meron pa ring iba na pilit isasara ang pag unawa nila para sa amin. PROLOGUE: Hey dad look at me, think back and talk to me, did i grow up according to plan ? Isang kanta kung saan relate na relate ako, feeling ko ginawa ang kantang yun para sakin mismo. Naranasan mo na bang kamuhian ng sarili mong pamilya dahil sa isa kang bakla / tomboy ? Ako oo, ang kaibahan lang ay si dad lang ang hindi tanggap kung ano ako. Suportado ako ni mommy... mali pala, suportado KAMI ni mommy, si kuya ko ay gay. May isa pa kaming kapatid, yung pangalawa ay babae naman. Tatlo kami at gustong gusto ni dad na magkaron ng lalaki para yun ang magmamana ng family company namin. Nagkaroon naman ng lalaki, panganay pa kaso yun nga lumihis ng landas. Si dad... Galit sya samin ni kuya, salot daw kami sa lipunan at kahihiyan sa pamilya. Naiintindihan ko naman sya pero syempre.. Masakit din para samin na marinig yung mga salitang yun na galing mismo sa sarili mong ama. Dapat diba sya pa unang tatanggap sa amin ? Hays... Simula pa lang ng story binanatan ko na agad ng malungkot na part. Kamusta ? Ako nga pala si K at ito ang kwento ng buhay ko.....
PICTURES OF THE PAST by JamCabredo
59 parts Complete Mature
AUTHOR'S NOTE: Na-inspired ako magsulat ulit dahil sa Sutos at ilang mga Thai Bi/Gay Drama. Ang kwentong ito ay hindi "SPG" type. Dahil nilalayon kong gumawa ng kwentong makapagsasalaysay ng totoong nararanasan, iniisip at nararamdaman ng mga kapatid nating LGBT. Hindi ko man mailahad, matumbok at mabuhos sa kwentong ito ang "buong" isipan, damdamin at karanasan ng mga LGBT friends natin... kahit papaano ay maka-relate man lang sana ang ilan sa inyo. Habang ginagawa ko ito ay naiisip kong sana ay makapagpalabas din ng drama o seryeng katulad ng Sotus sa Pilipinas... Ang kwentong ito ay gawa-gawa ko lamang. Anumang pagkakatulad nito sa kahit kaninong karanasan sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng may-akda. SYPNOSIS: Si Jake ay bagong transfer sa Malaya National High School. Bilang isang transferee o bagong estudyante sa bagong paaralan, naranasan niyang matahin at maliitin -- sa pangunguna ni Red Lopez. Tila galit ang lalaki sa kanya sa di niya malamang kadahilanan. Ginawa niya ang lahat para patunayan ang sarili at ipakita kay Red ang mga bagay na kaya niyang gawin. Ginamit niyang inspirasyon ang 'pangmamaliit' sa kanya ng lalake upang makilala siya't maging maimpluwensyang estudyante sa paaralang iyon. (Teka... Ginamit lamang ba niya ito bilang inspirasyon o talagang inspired siya kapag nakikita ito?) Hanggang sa unti-unti niyang natutuklasan ang itinatagong sikreto ni Red Lopez... Subalit hindi niya alam, gumagawa din ng paraan si Red Lopez upang matuklasan din nito ang tungkol sa tunay niyang pagkatao... At sa pagpapatuloy ng pagkatuklas na iyon ay tila kasabay naman ang pagkatuklas nila sa kanilang totoong nararamdaman... sa isa't-isa???
STRAIGHT by joemarancheta123
5 parts Complete Mature
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta
"So, It's You!" (GxG) by supergirl297
42 parts Complete Mature
Warning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura, laki sa marangyang buhay.. LAHAT ay gagawin makuha lang ang gusto nya, makuha lang ang babaeng pinakamamahal nya na walang iba kundi ang best friend nya... Kaya lang, ginawa na nya ang lahat pero bigo parin sya. Naging masama na sya, naging makasarili. Pero sabi nga nang iba walang magtatagumpay sa pag kuha nang isang bagay kung mali ang ating pamamaraan.. kung galing sa kasamaan.. Kaya naman pinilit nalang nyang tanggapin ang kanyang pagka talo ang kanyang pagka bigo. umaasang isang araw mawala na yung sakit yung sugat na dulot nang pagka bigo sa pag ibig.. Sa kabilang banda, itong si Monica ay laki sa hirap. Patuloy na kumakayod para maitaguyod ang kanyang pamilya ni hindi man lang nakatuntong nang kolehiyo. Maagang banat sa buto ni hindi alam ang salitang love life ..nah! Wala yun sa kanya. Hindi ka mahubuhay nang love na yan kong paglipas nang araw pareho lang kumakalam ang inyong sikmura. yun ang madalas nyang katwiran.. Kung mag aasawa man daw sya yung kaya na syang buhayin kasama buong pamilya nya. Masyado daw syang ambisyosa sabi pa nang iba.. Yun ang katwiran nya eh! Walang sino mang makaka bali nun.. Kung tadhana na ang gumawa nang paraan para magtagpo ang kanilang landas. May possibility ba na mahulog ang loob nila sa isa't isa.! Napaka imposible. PAANO KUNG HULI NA. Huli na nang marealize nilang may nararamdaman na pala sila sa isa't isa... *Do not steal my stories.. PLAGIARISM is at crime*
You may also like
Slide 1 of 10
Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√] cover
Perfect  (C O M P L E T E D) cover
PICTURES OF THE PAST cover
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥ cover
STRAIGHT cover
Uncontrolled Love❤ cover
And I LOVE YOU SO (Completed) cover
"So, It's You!" (GxG) cover
Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED! cover
The Gay I'll Never Forget cover

Enchanted to Meet You (BoyXBoy) [√]

31 parts Complete Mature

Si Arthur kahit papaano'y kuntento naman sa takbo ng kanyang buhay. Kahit wala masyadong mga kaibigan ay nasisiyahan naman sa bawat araw nito. Ngunit matapos ang isang gabing maituturing niyang kabigha-bighani ay biglang may susulpot na parang kabute sa kanyang buhay. Sa pagkakataong iyon ay tila siya'y binuhusan ng kung anu-anong mga dayuhang emosiyon na talaga nga namang nag-iiwan ng mga katanungang bumabagabag sa kaniyang inosenteng pag-iisip. Ngunit kahit papaano rin ay mas nakukumpleto ang bawat araw niya nang dahil sa kabuteng ito. Ano ang maaaring kahahantungan ng isang kwento na hindi alam ang simula? Emosiyon na tila mapaglaro at magdudulot ng isang tanong katanungan. Hanggang saan nga ba iyong sukdulan kung alam mong tunay ang iyong nararamdaman?