Nang dahil sa di inaasahang pagtatagpo. Nakilala ni Celonna ang pinaka maimpluwensyang tao sa lalawigan ng buong La Angeles. Bunga ng di sinasadyang aksidente. Napilitan syang magpahatid sa estrangherong noon nya palamang nakilala. Ngunit sa kanilang pagdating ay iba ang nais nitong ipabatid sa amang matagal na pala nitong kakilala. "Anong nangyayari dito?" ang ama matapos silang madatnan sa ganoong ayos. "Narito po ako para hingiin ang kamay ng inyong anak senyor." seryosong turan nitong yumanig sa kanyang buong sistema. Deretso ang mga matang nakatingin ito sa kanyang ama samantalang ang dilag ay hindi makapaniwala. "WHAT?!" ang dalagang si Celo na nanlalaki ang mata sanhi ng binitawan nito. Imposibleng mangyari yun lalo pa at ngayung araw nya lang ito nakita't nakilala. "Papa that's not true. Let me explain---" maagap nitong naisagot matapos makabawi mula sa panggugulat na ginawa nito. "Nais ko pong panagutan ang responsibidad na nagawa ko sa inyong anak lalo't ilang linggo na po syang nagdadalang ta-- "Shut up! That's not true!" Para sa dalagang balik bayan na si Celo ay kahibangan ang lahat ng pinagsasasabi nito. Pulos kasinungalingan ang lahat. Ngunit ano ang kanyang gagawin? Mapipilitan ba syang aminin ang kasalanan at sabihin ang totoong nangyari maipaliwanag lang ang lahat sa ama? O paninindigan niya ang kasinungalingang hinabi ng estrangherong lalaki mapagtakpan lang ang kalokohan kanyang ginawa? _MzInnocentBeauty_ All rights reserved.