PINAKAMAGANDANG LALAKI
  • Reads 172,762
  • Votes 3,619
  • Parts 20
  • Reads 172,762
  • Votes 3,619
  • Parts 20
Complete, First published Jan 05, 2018
"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name."

Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa pag-aalaga sa nag-iisang kapatid. Kaya nang malaman niyang nakipagtanan si Yojan ay hindi niya iyon matanggap. Sa tingin niya ay hindi pa kaya ng kapatid na pumasok sa buhay-may-asawa.
Kaya sumugod si Micah sa Kanaway-isang lugar sa dulo ng Benguet kung saan nakatira ang katanan ni Yojan na si Soraya-upang bawiin ang kapatid. Nanatili siya sa Kanaway at doon nakasama si Achaeus de Gala, ang nag-iisang kapatid ni Soraya at itinuturing na leader ng lugar.
Sa simula ay inis si Micah kay Achaeus dahil sa pakikialam ng lalaki sa kanyang pakay. At wala siyang pakialam kahit sinasabi at pinaniniwalaan ng lahat na ang binata raw ang pinakamagandang lalaki sa buong Benguet. Pero nang magtagal pa ang pananatili ni Micah sa Kanaway ay unti-unti silang nagkalapit. Hanggang sa maramdaman niyang tinamaan na rin siya ng "animal" appeal nito. Tuwing mapapatitig nga siya rito ay kung saan-saan nakakarating ang kanyang imahinasyon.
Noon nagpasya si Micah na iwasan si Achaeus. Dahil kung hindi ang lalaki ang may "gawin" sa kanya ay baka siya pa ang may "kakaibang" gawin dulot ng malakas na epekto sa kanya ng presensiya ni Achaeus.
All Rights Reserved
Sign up to add PINAKAMAGANDANG LALAKI to your library and receive updates
or
#1micah
Content Guidelines
You may also like
The Right Mr. G (COMPLETED) by maanbeltran
10 parts Complete
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2012 "Nasa malapit lang ang lalaking mapapangasawa mo. Madalas mo siyang nakikita. Letter 'G' ang umpisa ng pangalan niya. Isang bato ang ibibigay niya sa 'yo bilang simbolo ng kanyang pag-ibig. Bibigyan ka rin niya ng tatlong puting rosas bilang simbolo ng puro at wagas na pagmamahal niya." Iyon ang sinabi kay Leila ng manghuhula tungkol sa lalaking nakatadhana para sa kanya. Hindi siya likas na nagpapaniwala sa hula, pero nang isa-isang magkatotoo ang mga senyales na sinabi ng manghuhula ay unti-unti siyang nakumbinsi na totoo iyon. Mr. G was indeed her destiny. Ang problema, dalawang "Mr. G" ang swak sa hula sa kanya. Si Glenn, ang suitor niya na pang-CEO ang dating, at si Gerry, ang guwapong "ampon" ng pamilya niya, maginoo pero medyo pilyo ang dating. Dumating ang pagkakataong kailangan nang mamili ng puso niya. Ngunit may isa pang problema. Dahil mahal ng kapatid niya ang lalaking napili niya.
Ivy's League by JasmineEsperanzaPHR
14 parts Complete
"Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He's out of my league." Teaser: Muntik nang mapasubsob si Ivy nang mabunggo siya ng isang nagmamadaling lalaki. "Ano ba?" mataray na sabi niya dito. "Miss, sorry, ha?" Tila lumipad ang pagtataray niya at napatitig sa lalaki. His gray eyes were striking. Sanay siyang makakita ng iba't ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mata ng mga tao sa bansa. Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were... pink! Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito. Was it really pink? Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi? At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing. French kissing, she emphasized to herself. ******** Hi, everyone! This is one of my previously published book. I am posting a part of the book for all of you to read. I hope you enjoy the excerpt. Published under PHR Men In Blue Imprint
You may also like
Slide 1 of 10
Daisy Is Under Her Spell (On hold) cover
The Right Mr. G (COMPLETED) cover
My Sweet Surrender COMPLETED (Precious Hearts Romances - 2012) cover
Moises' Miracle (Published under Precious Hearts Romances) cover
The Obnoxious Damsel (published/unedited) cover
Ain't No Other cover
To Take Every Chance (Sta. Maria Series) cover
Between the Rainbow (Strawberries and Cigarettes Series #1) cover
Ivy's League cover
Laging Naroon Ka cover

Daisy Is Under Her Spell (On hold)

39 parts Ongoing

To want something that's impossible to become yours seems exciting, not until you trip and fall, and you leave yourself with nothing but a bleeding heart. The story of Atty. Cassandra Venice Sy and Daisy Andrino.