Naranasan nyo na ba ang maging NBSB? single lang sapat na.
Siguro may mga ganong tao parin?
Isa nako dun. Alison Jay Torres, pihikan, boyish, simple meaning Nerd but friendly, palaban at lumalaban, study is life for the future. Magaling mag advice about any problems and also about LOVE. Pero, ang masaklap walang Love Life. Minsan iniisip ko na lang kung kailan ang tamang panahon, kung kailan ba siya darating?. Sana makilala ko na ang destiny ko pero, ang tanong?. May pag asa ba? magkakagusto rin ba sya sakin? matatanggap niya kaya ako?
Kontento na ko sa buhay ko. Masaya naman maging single. Hindi ka masasaktan, papaiyakin, at lolokohin.
Dapat ang Love pinaghihirapan hindi madaling nakukuha, kasi kung mahal mo that means na gagawin mo ang lahat para matanggap ka niya.
Ganon ang LOVE.
NEVER FADE
[BXB|Yaoi|BL Novel]
Ang tunay na pagmamahal nga ba ay nasusukat sa kung gaano kabilis o katagal ito nabuo? Sapat ba na sabihin ang mga pangakong hindi natin malilimutan o iiwan ang taong pinakamamahal natin? Sapat ba ang pagmamahal na meron ang dalawang taong nagmamahalan para sabihin nilang walang sino man o ano man ang sa kanila'y makapaghihiwalay?
Tunay nga bang nakatakda na ang taong para sa atin? O tayo ang siyang pipili o magpapasya kung sino ang ating mamahalin sa pang habang buhay? Kung may pagkakataon tayo na tanungin ang orasan at kalendaryo, magagawa kaya nilang sagutin ang tanong kailang ang tamang panahon?
Paano hinihilom ng oras ang mga sugatang puso? Paano pinaplano ng panahon ang pagtatagpo ng dalawang puso?
Ang daming katanungan ngunit walang tiyak na kasagutan, paano mo masasabi na siya na nga ang sa iyo ay itinadhana kung ang tamang panahon mismo ang siyang iyong kalaban? Bibitiw ka ba sa pangakong iyong sinambit o panghahawakan mo ang pangakong ito hanggang sa susunod ninyong pagtatagpo?