Kamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya na nagdurusa sa kamatayan at kamalasang hindi niya hinangad o ginusto. Si Enlil. Isang guwapong estrangherong nagtataglay ng sinaunang pangalan ni Namtar. Estrangherong sa unang gabi pa lang ay ninakawan na niya ng halik dahil sa kalasingan.... Ano ang kahihinatnan ng kaniyang buhay ngayong pilit siya nitong hinahabol upang pagbayarin sa gabing hindi na niya maalala? Patuloy pa rin ba siyang mabubuhay sa kamalasan? O si Enlil na ba ang pinakamagandang kamalasan na nangyari sa kaniya?
27 parts