16 części W Trakcie Sabi nila, masyado raw maingat si Sheila sa sarili. Paulit-ulit siyang naghuhugas ng kamay. Iniiwasan niyang maglakad sa sementong may bitak. At sa tuwing nagkakamali siya, inuulit niya ang ginagawa niya mula sa umpisa.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ni siya mismo ay hindi alam kung bakit niya ginagawa ang mga ito. Sa katunayan, ayaw niya-ayaw niyang paulit-ulit maghugas ng kamay, ayaw niyang bumalik sa umpisa sa tuwing may maling letra siyang naisulat, ayaw niyang umiwas sa mga bitak sa semento. Pero hindi niya makontrol ang sarili niya.
Hanggang dumating siya. Isang taong hindi niya inaasahan sa buhay niya-isang kaguluhan sa mundong dati'y organisado, isang bagay na dapat niyang iwasan.
Pero paano kung sa gitna ng kanyang takot at pagdududa, natutunan niyang magtiwala?
Kaya ba niyang magmahal kung sarili niya mismo ay hindi niya mapagkatiwalaan?