May iba't iba tayong kahulugan, determinasyon, diskarte sa pagmamahal. Sabi nila hindi masamang sumugal sa pag ibig hanggat mahal niyo pa ang isa't isa ay ipaglaban niyo. Kung pagod ka ng magmahal hayaan mo namang siya ang lumaban para sa inyong dalawa. Ngunit pano kung isang araw nagising ka at wala na sa tabi mo ang tao mahal mo. Matutunan mo kayang magmahal ng iba? Kahit na alam mo sa sarili mo na wala ng makakapantay sa pagmamahal niya sayo. Magagawa mo ba siyang ipagpalit kahit na buong sistema mo ay siya ang isinisigaw? Kahit kaya sarili niyong pamilya ay magagawa niyong sawayin para lang sa pag ibig? Kahit importanteng tao sa buhay mo ay isusugal mo para lang sa pagmamahal? Marami talagang nagagawa ang pagmamahal ng isang tao. Nagagawa nilang kalimutan o di kaya'y balewalain ang nasa paligid nila para lang sa pagmamahal. Nagagawang magsakripisyo, masaktan, sumugal, lumaban at marami pang mga bagay na tanging pag ibig lang ang nagdudulot upang gawin iyon ng isang tao. May isang tao talagang inilaan ang Diyos na magpapabago sayo at magtuturo sayong magmahal kahit na kasing tigas ng bato ang puso mo. . Pano kung si tadhana ang gumawa ng dahilan upang maghiwalay kayo? Hahayaan niyo parin kaya si tadhana ang gumawa ng paraan upang magtagpo kayong muli? Pano kung di na kayo pagtagpuin muli ni tadhana? Kayo na ba ang gagawa ng paraan upang ipagpatuloy ang naudlot niyong pagmamahalan? O hahayaan na lang ang tadhana sa mga nangyayari?