Araw-araw na umaasa si Marithyl na babalik si Harris sa kanya dahil sa paniniwalang mahal pa rin siya nito. Tinitiis niya lahat ng sakit na nararamdaman sa tuwing harap harapan na siyang binabalewala ni Harris. Pilit siyang gumagawa ng paraan upang muli niyang makuha si Harris ngunit sa paglipas ng panahon, ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang muli siyang mapansin ni Harris, at ito ay ang unti-unting paglalapit ng loob ni Mar at Iverson. Ipagpapatuloy pa ba ni Mar ang kagustuhang maibalik ang nakaraan nila ni Harris? O mas pipiliing isugal muli ang puso para sa di namamalayang kakaibang nararamdaman para kay Iver?