Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)
  • Reads 4,494
  • Votes 215
  • Parts 26
  • Reads 4,494
  • Votes 215
  • Parts 26
Ongoing, First published Jan 07, 2018
FACTS:

Ang Biringan ay isang lugar na puno ng hiwaga.

Ang ibig sabihin ng Biringan sa native language ay Hanapan ng mga Nawawala. Kilala rin ito sa tawag na The Enchanted City, The Lost City of the Philippines at The City of Encantos.

Ang mahiwagang lugar ay sinasabing matatagpuan sa hindi masabing eksaktong lokasyon sa pagitan ng Calbayog City at Catarman, Northern Samar. Tinagurian din itong The Blinking City, Araw City at inihalintulad pa sa Las Vegas dahil ang mahiwagang lugar na ito ay sobrang liwanag sa gabi at tanaw mula sa Satellite ng NASA...

STORY DESCRIPTION:

Sa istoryang ito, makikilala niyo ang Biringan City bilang bayan na napoprotektahan ng dome-shaped na semi-invisible barrier. Tinatawag itong The Shimmering Wall. Ang tanging lagusan upang makapasok rito ay sa pamamagitan ng portals na natatago sa mga naglalakihang bato, puno o balete sa kagubatan.

Ano mang teknolohiya na nakasisira sa kalikasan ay agad na mawawalan ng silbi, sa oras na makapasok ito sa mundo ng mga Engkanto. Mundo kung saan tanging kalikasan ang sinasamba.

Aksidenteng (aksidente nga lang ba?) makakapasok sa mundong ito ang magkaibigang Tao na sina John at Nicole at dito nila unti-unting matutuklasan ang natatagong sikreto ng Biringan.

Makikilala nila ang nag-iisang Reyna ng Biringan na si Carolina. Isang napakagandang full-blooded encantos na hahadlang sa kanilang pagmamahalan.

Ngunit agawan lang ba sa pag-ibig ang malaking problema na kakaharapin nila sa mundong ito... o may mas matindi pa? Magkatunggali nga ba ang mga Tao't Engkanto o... magkakampi? Sino o ano nga ba ang tunay nilang kaaway? 

Sa mundong ito masasagot ang inyong katanungan...

Ngunit isang bagay ang hindi masisiguro... 

Ito ay kung kaya ba nilang pigilan ang isang bagay na maaaring tumapos sa sangkatauhan...
All Rights Reserved
Sign up to add Biringan: The Lost and Enchanted (On Going) to your library and receive updates
or
#46castle
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Mirren Academy of Spells cover

Mirren Academy of Spells

33 parts Complete

Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Valencourt. *** Magic isn't real--except it is when Odeth wakes up as Olivia Valencourt, a student of Mirren Academy, a school for spell users like her. Well, like Olivia. Determined to find her way back home, she discovers the truth behind the once-alive abandoned town, and that she's not as much of a stranger to the place and to the person she's pretending to be. In finding friends, love, and herself while trying to change the town's fate, she finds that maybe Mirren Academy is already home. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. COVER DESIGN: Louise de Ramos