Si Brent Mavis ay isang mabuting anak, kapatid, estudyante at kaibigan. Hindi man ganoon kaganda ang pamumuhay nila ay masaya na ang pamilya nila. Ngunit isang araw ay biglang nagbago ang lahat. Naaksidente ang mga magulang niya at simula noon ay tinukso na siya sa kanyang eskwelahan. Nanakawan din sila. Na-rape at pinatay ang kanyang ate at siya ang na-set up ng kanyang 'kaibigan'. Hindi rin naging maganda ang pagtrato sa kanya sa loob ng kulungan dahilan upang kanya itong ikamatay. Sa kanyang pagdilat ay una niyang nakita ang mga kakaibang nilalang na nakapaligid sa kanya. Tao na may tenga ng pusa, Tao na may matutulis na tenga, Tao na puno ng kaliskis ang buong katawan at isang pagkalaki-laking dragon. "Huh? Langit na ba ito?" "Maligayang pagdating dito sa [Dungeon World]!" +++ Tayo na't alamin kung ano ang mangyayari sa panibagong buhay na kahaharapin ni Brent.All Rights Reserved
1 part