Paano kung pakiramdam mo nakakulong ka? Nakakulong sa apat na sulok ng sarili mong kwarto sa loob ng sarili mong bahay. Paano kung pakiramdam mo ay naiiba ka sa kanila? Sa mga batang kasing edad mo na walang ginawa kundi maglaro at enjoy'in ang buhay nila. Paano kung pakiramdam mo kinukulong ka ng sarili mong mga magulang? Simula pagkabata ganito na ang takbo ng buhay ko. Laging nasa loob ng aking kwarto kalaro ang mga bago at mamahaling laruan na laging inuuwi ng daddy ko. Bawal akong maglaro sa labas ng habulan dahil baka daw madapa ako. Bawal makipaglaro sa ibang mga bata dahil baka maimpluwensyahan nila ako ng masamang ugali mula sa labas. Bawal makipaglaro ng taguan sa ilalim ng kabilugan ng buwan dahil baka mawala ako. Bawal maglaro sa ulan at magtampisaw sa tubig baha dahil baka magkasakit ako. Yan ang nakasanayan kong mundo. Madaming BAWAL. Madaming hindi pwede. Mula pagkabata sinusunod ko na ang gusto nila. Natuto akong mag-isa. Takot makihalubilo sa iba. Pero nagbago ang lahat ng makilala ko siya. Ang taong nagpakita saken ng mundong pinagkait nila. Ang mundo kung saan ko makikilala ang tunay kong sarili. Ang mundong mula pagkabata ay matagal ko ng gustong subukan. Isang lugar kung saan talaga ako sasaya. Ngunit maging dahilan kaya ito ng tunay kong kasiyahan? O magdudulot lang ng isang malaking kabiguan? Tama ba? Na ang dati kong nakasanayan na laging pagsunod sa kanila ay baguhin ko na? A story that will teach you how crazy and wonderful life is. The Perfect Strangers.All Rights Reserved
1 part