"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundong ito. "But she's already dead..." Nakayukong sagot ko. Magsasalita pa sana sya ngunit tumalikod na ako. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Siguro panahon na para mahalin ko naman ang sarili ko. Humakbang ako palayo... Paalam... [JJ&SL]