Alam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now be selling toilet bowls. Well, not bad dahil galing naman iyon ng Italy. Pero mainit ang dugo ng boss ni Rima sa kanya. Wala nang alam gawin si Andy-her boss-kundi awayin siya. In one of their fights, she bit his finger-hard. She was fired. Sa awa ng bratitat na anak ni Andy, kinuha siya nitong yaya. From promo girl, yaya ang kinabagsakan ni Rima. Siya na yata ang halimbawa ng naghanap ng kagitna, isang salop ang nawala. Kaya? Eh, fifteen thousand pesos naman daw ang suweldo plus allowance. Meron pang isang benefit na hindi niya alam. Si Rima pala ang napili ng anak ni Andy na maging new mommy nito. That was some benefit that was hard to resist.