Na wish mo na ba minsan sa buhay mo mangyari yung mala pelikulang pangyayari o kaya yung parang tagpo sa wattpad na kinikikiligan mo? 'Yung wasted ka tapos gusto mong mapag-isa kaya ka pupunta sa isang lugar na malayo sa lahat ng nagparamdam sayo ng sakit at pressure sa buhay. Tapos makikilala mo yung the one mo. Yung magpaparealize sayo na mali lahat ng pagmamahal mo sa isang tao na akala mo totoo. Also to make you feel na tama lang na narasan mo yung sakit na yun kasi kung hindi ka naging sawi hindi ka napadpad sa lugar na yun at di mo sya makikilala. Pero na untog yung ulo mo, nagising ka sa katotohanan na wala ka pala sa eksina sa isang pelikula o kahit sa kinakikiligan mong storya sa wattpad. Nasa realidad ka nga pala. Kung saan pupunta ka sa isang lugar para sa assignment mo para di ka matanggal sa trabaho. Para ibangon ang dignidad na inapakapan ng syota mong g*go. At ikayod ang pamilya mo lalo na't yung tatay mong may malubhang sakit. Kaya tama na yung nganga gising na para sa ekonomiya.