"Anong pangarap mo sa paglaki mo araw?.." tanong nya saken habang nakangiting pinagmamasdan ang mga bituin..nakahiga kami ngayon dito sa damuhan.. "Pangarap ko?.." nilingon ko sya pero nakatingin parin sya sa kalangitan... "Pangarap kong magkaroon ng masayang pamilya.." malungkot na bulong ko..mabilis nya naman akong nilingon ng may pag aalala sa mga mata.. "Gusto ko yung buo talaga..may mama..may papa..at higit sa lahat mga anak.." unti unting namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.. "Araw--" pinutol ko sya sa sasabihin nya..ngumiti ako ng pilit... "Ayun ang pangarap ko..eh ikaw ulap?..anong pangarap mo paglaki mo--" ako naman ang napatigil ng marinig ang sinabi nya.. "Pakasalan ka.." seryosong sabi nya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko..kinunutan ko sya ng noo... "Anong pinagsasabi mo?.." kunot noong tanong ko sa kanya..ngumiti sya ng pagkalapad lapad atsaka ako iginaya paharap sa kanya.. Ngayon.. Magkaharap kaming nakahiga sa damuhan.. "Pangarap kong matupad ang mga pangarap mo..pangarap kong paka salan ka..pangarap kong gumawa ng pamilya kasama ka..pangarap kong magpatayo ng malaking mala king bahay na uuwian ko para lang makita ka..yun ang pangarap ko.." hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak..iginaya nya ako paupo atsa ka isinandal ang ulo ko sa balikat nya..atsaka ako inakbayan.. "Dont cry na Araw..promise ko sayo--tutuparin ko ang lahat ng pangarap mo.." hinahagod nya ako sa balikat habang sinasabi yon.. "Promise?.." tanong ko..atsaka ini lahad ang naka pinkyswear kong kamay.. "Promise!" proud na sabi nya na nakipag pinkyswear saken.. Sana nga tuparin mo ang promise mo ulap..