They say that everything will end in the right time. Ang sabi nila walang permanente sa mundo. Na kahit ano ay pwedeng magbago sa isang pikit lang ng mata mo. Pero paano kung ayaw kong matapos ang lahat ng to?. Paano kung gusto ko walang katapusan. At kung meron man. Kung wala mang katapusan. Bakit mayroong nang-iiwan?. May nang-iiwan ngunit may bagong dadating. Ang taong dadating na hindi mo inaasahang mananatili. Pero ang pananatili niya pala ay pansamantala lang din katulad nila. Titigil kana ba dahil paulit-ulit ka nalang nasasaktan ng sobra? o lalaban ka pa rin hanggang gusto at kaya mo pa?. Nasa kamay mo ang desisyon. Ikaw ang magdedesidyon. Kung hanggang dulo ay may mananatili sa tabi mo. O pipiliin mo na iwasan nalang ang lahat ng tao. Dahil paulit ulit nalang nasasaktan at nadudurog ang puso mo. Dapat matutunan mo na hindi lahat ng tao ay maabot ang expectation mo.