Nagmahal ka na ba ng taong handang tawirin ang pitong bundok Maiwasan ka lang? Iniwan ka na ba? Pinaasa? Pinagpalit? O hindi mapansin pansin ng taong ginawa mong mundo? Yung tipong lahat ata ng okasyon sa buhay niya alam mo? Pinaasa ka na ba ng taong sobrang sweet sayo tapos bandang huli sasabihin niyang "parang kapatid kasi turing ko sayo eh" o kaya naman "salamat ah the best ka talagang KAIBIGAN" OHh diba ang sarap nalang magmura tas ibato yung puso mo sakanila sabay sabing, "salamat sa pagdurog nito aah? Heto na nga, kaya ako gagawa ng kung ano ano dahil bukod sa wala kong magawa gusto ko din ma share yung minsan ko ng naranasan, at minsan nararanasan din ng aking mga kaibigan. Halina at sumama sa paglalakbay ng mga makahulugang letra na sa yong pagbabasa ay tatagos ng kusa at maari kang lumuha. Ito ay hango sa aking kathang isip at minsan hango sa tunay na karanasan ko at ng aking mga kaibigan o kung sino mang malapit saking buhay. Ang pagkopya sa gawa ng iba ng walang tamang pahintulot sa orihinal na may ari ay may karampatang parusa ??