Mataas ang tingin ng karamihan kay Shia Shenille Berret. Bukod kasi sa pagiging Matalino ay anak din ito ng isang kilalang pamilya sa kanilang Lugar. Kinatatakutan at iginagalang siya ng lahat ng estudyante sa kanilang paaralan. Higit sa katalinuhan ay hinahangaan ito ng karamihan dahil sa kanyang angking ganda. Everything about Shia seems perfect but it doesn't. Lahat ng kilos at galaw niya ay laging dikta ng kanyang Ama't-Ina. Hindi niya magawang humindi sa mga ito, lalo na't alam niyang ampon lang siya. Kilala ang kanilang pamilya kaya gusto ng mga ito na maging perfect ang imahe nila sa lahat. Natuto siyang makipagplastikan sa lahat, mapabango lang ang kanilang imahe. Gustong-gusto niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang ngunit alam niyang masisira ang pangalan ng pamilya nila kung gagawin niya ito kaya't ginawa niya ito ng pasikreto. Pumasok siya sa isang hindi kilalang eskwelahan at nagpanggap sa ibang katauhan. Masaya siya sa pangalawa niyang katauhan dahil dito niya nailalabas ang totoo niyang pagkatao. Nagamit niya ang pagiging matalino kaya't kinatatakutan siya doon dahil sa pagiging mataas ng rango nito. Everything falls into place, nang biglang may mag transfer na nerd sa eskwelahang iyon. Hindi pansin ng lahat, pero kamukhang-kamukha niya ito. Matalino at Aakalain mong anak mayaman dahil sa pagkilos nito ngunit isa lamang itong hamak na scholar na nakatira sa isang Orphanage. Nakipagkasundo siya dito upang pumalit sa kanyang katauhan bilang Shia. Lalong gumulo ang pangyayari nang masangkot siya sa isang aksidente, dinukot siya ng isang grupo ng naggagwapuhang lalaki ngunit mukhang mga gangster. Dinala siya ng mga ito sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. Pilit na pinagpipilitan ng mga ito na siya si Sheirizu, ang babaeng matagal na nilang hinahanap. Ngunit agad na dumating ang isang babaeng may mahabang buhok at sobrang ganda ng hugis ng pangangatawan. Laking gulat niya ng makitang kamukhang-kamukha niya ito.
3 parts