May isang grupo ng barkada sa School Namen, Wala akong pakeelam sakanila, Pero pinagkakaguluhan sila dito sa school. Hindi ko alam kung bakit ba sila pagkaguluhan,Lagi naman nila Binablewala ang school rules dito sa school namen. Masyado silang pasaway dito.
Isa sakanila si MICHAEL VELASCO, Leader ng grupo. Mahilig syang magdala ng gadgets na ipinagbabawal dito sa school namen. Madami syang crush na babae. Mayaman pero mayabang. Pogi nga bulakbol naman.
Pangalawa sakanila si MIGUEL CLARKSON, Pinaka mayabang sakanilang tropa. Varsity Player sya sa school namen pero sa kayabangan nya, Wala nagkakagusto sakanya kundi ang kaibigan kong si Traicy.
Pangatlo si JASON CORDOVA, Sya yung bully sa tropa nila. Sya ang kinakatakutan ng mga tao dito. Di ko alam kung bakit sya paang katakutan, Wala namang dapat katakutan. Siguro sanay lang ako na mabully nya kasi magkaklase kami since highschool.
Pang apat si DRAKE KEVIN, Sya ang laging nagaguidance sa school. Kilala na sya ng teachers sa kasobrahan nya sa pakikipagaway. Siga kasi sya, Walang modo. Masungit tingnan.Bad boy, At marami ng naging girlfriend.
Pang Lima si TIMOTHY BRADLEY. Sya yung mabait,matalino, Pero madalas bad boy. Sya ang crush ng isa pang kaibigan kong si Carmela. Mataluno pero di naiisip na masama ang yosi at alak para sa kanya. Mabait sya kay Carmela kaya adik si Carmela sakanya.