Ito ang kwentong bubuhay sa mga namatay na tradisyon at paniniwala ng Pilipinas. Bukod diyan, bibigyang diin din ng kwentong ito ang importansya ng kalusugang pangkaisipan.
***
Kilalanin niyo si Lourdes Fuego, ang mataray na aktibista ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1972. Maniwala man kayo o hindi, binigyan siya ni Bathala ng isang gantimpala upang muli siyang mabuhay sa ikalawang pagkakataon. Ngunit may kapalit ito. Dapat siyang bumalik sa taong 1872 para lutasin ang sumpa na siya rin ang may dulot.
Kasama si Apolaki, ang Diyos ng araw na may sizzling abs, at si Pacifico del Solar, ang poging poging Teniente Mayor ng San Isidro, matatapos ba ni Lourdes ang kanyang misyon? O makakatanggap lang siya ng mas malalang sumpa?
***
HIGHEST RANKINGS:
#9 out of 54 - philippinehistory (01/08/19)
#10 - nakaraan (04/12/19)
#19 out of 166 - timetravel (01/08/19)
#28 out of 317 - historical fiction (01/08/19)
#31 out of 93 - future (01/08/19)
#169 out of 667 - past (01/08/19)
#184 out of 1k+ - filipino (01/08/19)
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos