Dukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinaharap ng kanilang pamilya. Ayaw nya sa pang aabuso, pero paano kung dumating ang panahon ng paniningil sa utang ng kanilang pamilya sa mga taong walang pakundangan kung hindi ang abusuhin ang kahirapan ng mga katulad nilang salat sa yaman. Mahalin nya kaya ang taong bumili sa kanya, kahit na di nya pa ito nakikita?? SANA PO AY MAGUSTUHAN PO NINYO .....SALAMAT po ng marami.