Ang tao mahilig sa perpektong relasyon, yung tipong walang ups and downs. Gusto puro saya lang. Gusto perpektong relationship, kasi once na masaktan natatakot na ulit sumubok magmahal. Ayaw na ayaw nating lumuluha at nasusugatan. Aminin man natin o hindi ganun tayo. Pero hindi ba't nakakainis sa part nong mga taong handang sumugal at masaktan? Yung mga taong hindi madaling sumuko?, Syempre, napapagod din silang kumapit sa taong pilit na silang binibitawan. Tao din yan. Kaya ngayon.. yung mga dating kayang magtiis sa sakit, ayan! Bitter na rin ngayon. Tumulad na rin sila sa mga duwag magmahal at maghanap ng taong susubukang mahalin ulit.